
Antagal kong itinago ang mga larawang ito, subalit sadyang may mga taong mapangahas at gustong halukayin ang aking nakaraan. Nais nilang magkaroon ako ng isang post para sa #PubertyChallenge. Interesting, yun lang ang palaging nasa isipan ko, tatangapin ko ba ito o tatangapin ko? Mahirap hanapin ang sagot. Pero ngayon, ito na ang inyong hinahanap. Ang mga larawang niluma na ng panahon ngunit dala ay ang sinasabi nilang BEFORE and AFTER.

Photo above (left) kuha noong 2007 habang uso pa ang Yahoo chat online. Ito yung mga panahon sobrang payat ko pa, mala Venus Raj ang kulay at 22 inches ang waistline pero may mga muscles sa mga braso at binti dahil sa track and field. Ito rin yung mga panahong naka-one-liners ang mga kilay, kulang nalang gamitan ng Protractor para makuha ang balanse at kurba ng mga ito. Ito rin ang panahong naka-super-body-fit ang aking mga shirts, pants, at uso narin sakin dati ang short-short na halos bumukol na ang kung anu-ano mga dapat bumubukol.
Photo Above (right) kuha naman noong 2013, nasa Metro Maynila na at nagsisimulang hanapin ang nagni-ning-ning na kinabukasan. Ito ang panahong nasa mundo na ako ng call center at walang tigil sa pag-aaudition sa kung anu-anong role sa showbis. Nakakapagod pag-sabayin ang dalawang mundong ito, pero kahit papaano nabibigyan din naman ng mga extra roles sa mga pelikula, tv soap opera at mga game shows.
Madami naring akong napag-daanan sa buhay. Iba't ibang mga challenges. Hindi man sa pagmamalaki, pero ipag-mamalaki ko narin, diko naranasang magkaproblema sa pera dahil medyo matipid ako, kaya biro pa nga nung iba: "sana ginamit mo na iyong pera para mawala na ang iyong problema" sabay turo aking mukha. Napagud narin siguro ang mga tenga ko sa mga salitang yan, kaya wala nang maramdaman hinanakit ang aking puso. Subalit, isa siguro sa di ko makakalimutan yung nasabihan akong: "ang sama na nga ng mukha mo, an sama pa ng ugali mo." Masakit dahil sa itinuring kong kaibigan ko pa nagmula ang mga katagang iyon. Diko na pinansin yung sa ugali dahil sa misunderstanding ang mga nangyari, pero yung "ang sama na nga ng mukha mo" antagal mawala sa isipan ko. Yun ata yung sinasabi nila "reality hurts?" Yun yung mga panahong inisip kong: "pangit ba talaga ako?" Mahigit isang taon kong kinimkim ang galit at puot sa puso ko sa taong iyun. Kahit magkasama kami sa opisina, walang pansinan, walang kibuan. Pero ngayon, malaya na ako at natutunan ko nang magpatawad.

2012 nang ako'y nabighani at umibig sa kalikasan. Na-addict sa pamumundok at sa pag-biyahe sa kung saan-saan. Halos lingo-lingo may pinupuntahan, sabi nga nung mga nakasama: "kailangang ang wallet ay said ang laman." Iba't-ibang mga tao ang nakakasalamuha, iba't-ibang mga kultura ako'y napahanga. Idag-dag ko pa ang mga taong nakasama at naging kaagapay sa bawat pag-lalakbay. Simula noon, hindi ko napapansin na may paunti-unti na palang nababago ang mga bagay-bagay sa aking buhay.

Maraming nagulat nang malaman nilang nag-pakalbo ako noong 2015, saktong dalawang taon na ang nakararan. Maraming nanghinayang. Subalit wala akong naramdamang panghihinayang dahil bukas ang aking kalooban na ito'y ibahagi sa isang taong espesyal para sa kanyang ika 18 na araw ng kapanganakan. Noong una, awkward moment pa. Pero noong nakasanayan ko na hanggang ngayon, ang aking buhok ay diko na pinahaba pa. Ang nou'y nakahiligan ang bumili ng mga pampaganda ng buhok, ngayon sombrero na ang pinag-kakaabalahan.
Ang larawan naman sa itaas ay kuha sa Mt. Binacayan sa Wawa, Rodriguez, Rizal. Kuha ito noong Araw ng Kagitingan 2015, ilang araw matapos maputol ang aking buhok. Araw ng Kagitingan 2012 din ako nag-simulang mamundok. Ayon sa mga taong nakasalamuha ko, sobrang laki raw ang ipinagbago ko noong una nila akong makita at makilala. Ngayon, halos di na nila ako ma-kilala dahil sa mga pagbabagong ito. Masaya naman ako sa mga naging resulta. Siguro kung hindi ako nahilig sa pamumundok at pag-babyahe, baka ngayon naka-focus ako sa ibang mga bagay. Kung anu ang mga iyun, ayoko nalang isipin.
No comments:
Post a Comment
Note: only a member of this blog may post a comment.