After getting a job offer, second will be pre employment requirements that usually include bank forms (for salary), school records, NBI clearance, government mandated documents and most important your pre-employment medical examination. Most of the pre-emps medical includes XRay, fecalysis, urinalysis, physical examination, CBC and a drug test. Without passing these pre-emp medical you can't continue with your employment.
Monday, July 10, 2017 tumungo ako sa Medicard Clinic sa Quezon Ave to process my pre-emp examination. Hindi na bago sakin ang ganitong process kaya nag-bigay talaga ako ng mahabang oras to complete the process. Two to three hours done na po! Since walk in ako, I need to go back to pick up the results after three days. They gave me a claim form for release.
Nakalagay naman sa Claim Slip yung date at time ng pick up. Mine was July 13, 2017 AT 4PM. Buti nalang may LRT at MRT kaya napabilis ang byahe ko from Cainta, Rizal. Pagdating sa oras, naniniwala ako sa kasabihang: "If you will come on time, you Come before the time." Ayoko talaga ng nalalate ako, unless may ibang circumstances involved, kaya 2PM palang umalis na ako ng bahay, arrived at Medicard Quezon Avenue around 3PM.
Nagtanong ako sa reception kung available na ang mga documents, sabi wala pa daw kasi napaaga lang talaga ako. Tanggap ko naman yung part na iyun. So, antay-antay. Facebook facebook. Hanap ng pampalipas oras sa loob ng clinic. **Dumating ang 4PM. Tanung ulit, sabi: "wala parin sir." E dey walang no choice kundi mag-antay. 4:50PM sabi sakin: "sir wala parin po, nasa St. Lukes paraw yung messenger." Diko alam kung saang St. Lukes yun pero medyo stressed na ako, kaya kumain na muna ako sa Jollibee sa may Centris baka gutom lang yung nararamdaman ko.
5:28PM bumalik na akong Medicard Clinic, tinanong ko agad yung guard kung dumating na yung messenger at nung sinabi nya na ang "OO" agad akong tumungo sa XRay area at ayun dumating na nga.
Sa Medicard Quezon Avenue Clinic, sana bago kayo magbigay ng date and time isipin nyo muna ang mga circumstances na pwedeng ma-encounter ng messenger sa kalsada. Pwede nyo ring ilagay sa time sa Claim Stub ang "between 4 to 6 PM" para maset na expectation nung mga kukuha at makapag-adjust ng oras. Iwasan nyong ilagay ang "AT 4PM" kasi pagsinabing "AT or @" sakto dapat yun, unless may pila.
Kinabahan talaga ako baka ma move sa kinabukasan, e nagbigay na kasi ako ng deadline sa employer ng date kinabukasan AT 7AM. Ayokong nasa submision of requirements palang ako sablay na. Pero ang nakakalungkot napa-absent ako sa current employer ko dahil hindi ko kinaya yung sakit ng batok ko dahil sa antok.