Ang Mahiwagang "Puting Ding-Ding" sa Aguinaldo Mansion

Multo sa Aguinaldo Shrine
Dahil gugunitain nanaman natin ang Araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa susunod na lingo, naisipan kong bisitahin ang isa sa mga pinaka sikat at makasay-sayang mansyon sa bansa -  ang mansyon ng mga Aguinaldo sa Kawit, Cavite. Dito lang naman iwinagayway at ipinahayag ang Kalayaan ng Pilipinas noong ika-12 ng Hunyo 1898. Ang larawan sa itaas ay kuha sa ikalawang palapag ng mansyon, kapansin-pansin ang mga antigong kagamitan at muwebles  na kadalasan hindi nawawalan ng mga nakakakilabot na mga kuwento.

Pag-bisita sa Mansyon ni Hen. Emilio Aguinaldo

Emilio Aguinaldo Shrine
 I've been planning to visit this place since I started blogging so this day is a dream come true. Quite difficult, but I will write this post in Tagalog. Alam kong pamilyar sa inyo ang balkonaheng ito, kadalasang laman ito ng ating mga libro ng Kasaysayan. Ngayon, ipapakita ko sa inyo ang kabuuan ng makasaysayang bahay na ito. Nakatutuwang isipin na nasa harapan ako ng isang istrukturang naging bantayog dahil sa naibigay nitong kontribusyon sa Pilipinas. Habang tirik na tirik ang araw, ang puso ko  nama'y hindi mapigilang lumundag dahil sa lubos na galak samantalang ang ihip ng hangin naman ay  may kalamigan na pumapawi sa init na aking nararamdaman.