Lingid sa kaalaman ng karamihan, nagmula ako sa isang pamilya na puno na pag-mamahal na binubuo ng anim na magkakapatid at mga magulang. Ang aming pamilya ay may malakas na pundasyon na sa kahit anung aspeto ng buhay ay napag-tatagumpayan sa pamamagitan nang pag-tutulungan. Ang aming tahanan bagamat hindi marangya, ang pundasyon nito ay ginawa, pinanday, at hinulma ng taong tatawagin kong Tatay – ang Haligi ng aming Tahanan at isang Karpentero.