Showing posts with label Important Details About Emilio Aguinaldo Mansion. Show all posts
Showing posts with label Important Details About Emilio Aguinaldo Mansion. Show all posts

Pasukin ang Bahay ni Emilio Aguinaldo

Emilio Aguinaldo Mansion
Alam kong pamilyar sa inyo ang balkonaheng ito, kadalasang laman ito ng ating mga libro ng Kasaysayan. Ngayon, ipapakita ko sa inyo ang kabuuan ng makasaysayang bahay na ito. Nakatutuwang isipin na nasa harapan ako ng isang istrukturang naging bantayog dahil sa naibigay nitong kontribusyon sa Pilipinas - ang Kalayaan. Habang tirik na tirik ang araw, ang puso ko  nama'y hindi mapigilang lumundag dahil sa lubos na galak, samantalang ang ihip ng hangin naman ay  may kalamigan na pumapawi sa init na aking nararamdaman.