Photo taken on boulders of Mt. Apo |
Tumawag ako sa aking Minamahal na
Nanay na kasalukuyang nasa Romblon. Napag-usapan namin ang iba’t-ibang mga
bagay tungkol sa aming pamilya ngunit bago matapos ang aming usapan at
mag-goodbye, isang tanong ang kanyang nabitawan para sa akin: “kailan ka mag-aasawa? Dapat mag-asawa kana!”
Pagkarinig ko sa kanyang tanong, agad akong natahimik at napa-isip, “oo nga naman, malapit na akong lumagpas sa
numero ng isang buwan sa kalendaryo, dapat mag-isip na ako to settle.”
Sabi ko dati, mag-sisimula akong
mag-isip ng pag-papamilya kapag nasa 27 years old na ako, pero nakalagpas na
ako ngunit wala parin ako sa stage na nag-iisip ako to settle or creating my
own family. Siguro natatakot akong baka dumating ang panahong mamimili ako between
mag-travel at pamilya. Natatakot din siguro akong baka hindi ko maibigay ang
pangangailangan sa pag-buo ng isang magandang pamilya. Sa ngayon, go with the
flow lang ako, sana mabasa ito ng aking Nanay. Abangan nalang natin ang SUSUNOD
na Kabanata ng aking buhay.